Wednesday, November 21, 2012

Battalia Royale.

    Noong nakaraang linggo, Nobyembre 14, nabigyan ako ng pagkakataon na makanood ng isang dula sa CCP. Salamat sa isa sa aking malalapit na kaibigan :) Ang aming napanood ay ang Battalia Royale na talaga namang sumikat. Nagsimula itong dulang ito nitong taon lamang dito sa Pilipinas at ang napanood namin noong isang linggo ang maaaring huling beses na nilang ipalabas ito kaya ito ay tinawag na Battalia Zero. Noon ko pa naririnig ang tungkol sa Battalia at noon ko pa din ginustong manood nito ngunit wala lamang akong makasama at hindi ko alam kung saan makakakuha ng ticket. Hahaha! Nga pala, kung mapapansin niyo ngayon lang ako talaga nagsulat ng purong Tagalog (well, may halong konting English haha) Sa tingin ko lang, mas mababahagi ko ng maayos kapag sa Tagalog ko ito isinulat. Okay, balik tayo sa kwento ko, noong nakaraang Miyerkules nga ay nakanood ako ng Battalia Royale kasama ang mga malalapit kong kaibigan simula noong ako'y bata pa. Oo, ganun na kami katagal magkakasama hahaha :))) Ayun, biglaan lang naman talaga yung panonood namin. Bigla lang kaming niyaya ng isa pa naming kaibigan na nago-OJT sa CCP. Kaya salamat Levi :) Bago pa kami manood ng dula ay mayroon na akong ideya sa kung ano ang mangyayari. Sabi nga nila, hindi ito karaniwang dula na kung saan ay nakaupo ka lamang at pinapanood lang ang mga karakter sa entablado. Ito ay ibang-iba doon. Una sa lahat, hindi kami nakaupo ng maayos at walang permanenteng entablado. Galaw ng galaw ang mga karakter at kasama sa paggalaw nila ay ang paggalaw din ng mga manonood. Pangalawa, hindi din sa isang teatro na may entablado at mga komportableng upuan ginanap ang dula. Ito ay ginanap sa labas lamang ng CCP, sa may gilid at sa may rampa. Habang tumatakbo ang kwento ay tumatakbo din kami paikot-ikot sa may gilid at harap ng CCP. Tumakbo ang dula ng halos 4 na oras at masasabi kong nakakapagod ito ngunit masaya. Hindi masaya, dahil nagpapatayan ang mga karakter, masaya dahil na-enjoy namin ang bawat eksena na talagang pinaghandaan ng bawat karakter ng dula. 

    Malamang ay alam naman ninyo na ang Battalia Royale ay puro patayan. Ito ay tungkol sa 40 estudyante na iniwan sa isang lugar para "maglaro". Ang laro nila ay hindi simple, kailangan nilang magpatayan at dapat ay isa lamang sa kanila ang matitira pagkatapos ng 8 oras na paglalaro. At kapag higit sa 1 ang natira, iaactivate ang mga collar sa kanilang mga leeg na siya ring papatay sa kanilang lahat. May choice ang bawat estudyante: ang sumali sa laro at makipagpatayan para sa buhay niya o ang piliing huwag lumaban at huwag makisali sa patayan. Ngunit, may choice nga ba talaga sila? Parang wala. Sa huli isa lamang talaga ang natira at siya pa yung taong nagsabing hindi siya lalaban at hindi makikipagpatayan. Ironic. Ngunit, wala siyang nagawa eh. Kinailangan niya itong gawin. Kailangan nga ba? Siguro oo, siguro hindi. Ewan. Buhay na ang pinag-uusapan eh. Masyado nang malalim kung ito ang pagbabasehan. 

    Kung sa iba, isang dula lamang ito na puro kathang-isip lamang at wala lang, para sa akin isa itong dula na maraming gustong iparating sa mga manonood nito. Sa tingin ko bawat eksena sa dulang ito ay maaaring ihalintulad sa kung ano talaga ang nangyayari sa ating bansa ngayon. Ang patayan na naganap sa dula ay para ring ang karahasan na nangyayari dito sa ating bansa. Ang bawat linya na sinabi nila sa kanilang dula ay talagang makatotohanan at angkop sa kung anong nangyayari ngayon tulad na lamang nang pag-uusap ni Victor at Kakai. Pinag-usapan nila ang tungkol sa pagiging mabuti, para kay Kakai kasi choice ang pagiging mabuti pero ayon kay Victor hindi choice ang pagiging mabuti kundi ito ang dapat. (Sana tama ang pagkaka-alala ko sa mga sinabi nila) Para sakin, sa totoo lang ang sinabi ni Victor ang una kong pinaniwalaan dahil dati pa lang ito na ang alam kong tama ngunit nang magsalita na si Kakai at sinabing choice ang pagiging mabuti at nang magbigay pa siya ng halimbawa, bigla akong naguluhan. Minsan kasi, kahit hindi natin gusto bigla na lang tayong nakakagawa ng hindi mabuti. Minsan kasi ang paggawa ng hindi mabuti ay maaaring magdulot ng tama. Ironic man kung pakinggan yun pero yun ang totoo. Minsan sa buhay natin kakailanganin nating gumawa ng hindi gaanong kabuti para magdulot ng tama. Kung minsan kasi ganun talaga e. Mahirap man intindihin pero alam ko na at one point, naintindihan niyo din ako. Makakaisip din kayo ng sarili niyong halimbawa ng sinasabi ko. Isa pang gusto kong ibahaging parte ng dula ay ang pagtatanong sa manonood kung gusto pang ipagpatuloy ang pagpapatayan nila o ihinto na lang. Bago pa magsimula ang dula ay alam ko ng itatanong ito at sabi ko sa sarili ko na sa tingin ko pipiliin kong ihinto ang laro. Hindi dahil gusto kong ipakita na may moralidad ako at nagpapakabait lamang, ito ang gusto kong piliin dahil sa tingin ko kung totoo  lahat ng nangyayari, ito ang dapat. Sa pagdedesisyon hindi ko inisip na dula lamang ito, inisip ko na kung totoo nga ang lahat ng ito, ano ang dapat gawin. Yun nga ay ang ihinto ang laro at matapos na ang karahasan at patayan at makauwi na lamang ang mga estudyante. Desidido na ko na ito ang pipiliin ko sa oras na kami ay tanungin. Ngunit nung dumating na ang oras na ito, biglang bumaliktad ang mundo at napunta ako sa grupo na pumiling ipagpatuloy ang laro. Nadala ako sa mga kaibigan ko na sinabing ito ang piliin namin. Ngunit nung nandoon na ako sa grupong iyon at pinagtapat ang dalawang grupo, parang gusto kong lumipat. Hindi ko alam pero parang nakonsensiya ako, maririnig mo kasi sa background ang mga estudyante na sumisigaw at nagmamakaawa na ihinto na ang laro at sinasabayan pa ng kabilang grupo sa pagsabing wala daw kaming puso at walang awa. Alam kong dula lamang ito, pero hindi ba't yun ang gustong gawin ng dula? Gusto nitong maguluhan ang mga isipan namin sa kung ano ba ang dapat at hindi dapat, ang tama o mali. Ito na nga ang nangyari sa aking isipan, naguluhan ako. Ngunit wala pa din akong nagawa at nanatili na lamang sa grupo ng mga "walang puso". At nanalo pa ang grupo namin at nagpatuloy ang laro at madami pa ang namatay. Maaaring sabihin ng karamihan na dula lamang ito at ano naman kung ipagpatuloy ang laro, hindi naman ito totoong nangyayari. Maaaring totoo ngang hindi ito tunay na pangyayari pero sana ang bawat tao na pumunta sa grupong pinuntahan ko din ay nagkaroon din ng ganung pagtatalo sa sariling isipan. Ang huling parte ng dula na gusto kong ibahagi ay nang muli kaming tinanong kung dapat bang patayin si Timothy. Kung titignan mo si Timothy, sobrang bait niya. Makikita mo talaga yun sa kanya. Kaya naman nung tanungin kami hindi na ako nagdalawang-isip na hayaan siyang patayin. Kaya't binoto kong iligtas siya at nanalo naman kami. Ngunit nang paalis na dapat si Timothy bigla na lamang siyang binaril. Wala nga talagang maaaring makaligtas na lang ng basta basta. Hindi ko alam kung bakit pero nanghina ako nang bigla siyang barilin. Seryoso, nakakalungkot yung part na yun :( Ang dami nga naman talagang paasa sa mundo. Tsss. -_- Ayun lang naman yung mga part ng dula na gustong-gusto kong ibahagi sa iba. 

    Seryoso, ang ganda ng pagkakagawa ng dulang ito. Magaling at malikhain. Namiss ko tuloy bigla ang teatro ng sobra sobra. Buong high school life ko ba naman nasa teatro ako. Sana maranasan ko ulit ang buhay teatro. Iba e. =) 

   Isang kakaibang karanasan ang panonood ng Battalia Royale. Kudos sa Sipat Lawin Ensemble! Napakagaling ng bawat karakter sa dula. 

    Sa ibaba ay iilan lamang sa mga larawan namin pagkatapos ng dula dahil nga bawal ang pagkuha ng litrato habang nagaganap ang dula or else they will track you down hahaha :))))

    Credits to Sophia Donato for the photos :)

the survival kit.


Bet, me, Jorjan & Choppie.



Class Cards.

Me & my high school friends with "Basti"/Kevin. :)

With a friend of Levi. Sorry I forgot the name -_- Sorry, I'm not really good with names.
But, I remembered that he's from Tanghalang Pilipino :) 
With "Basti". Ang galing mo, angas lang :) 
With "Kakai". Galing mo girl :)
Sayang wala akong picture kasama si Victor. =))
Baliktad pa yung bandana ko hahaha. Sorry :)
Duguan ang hitsura ko dito pero buti na lang naka-itim ako at hindi kita ang dugo pero sobra yung "dugo" sa damit ko pati buhok, paa at braso :/ Cool. Hahaha.

Ito ay isang hindi makakalimutang karanasan. Sa uulitin :)

A Thousand Years.


This is such a beautiful song. It was indeed perfect for the last part of the Twilight Saga. And can I just say that Breaking Dawn Part 2 was awesome! I didn't really expect that but it was. I don't know about you guys but I felt sad while this song was playing at the latter part of the movie. This song made the movie a lot better. Everything was just perfect


Credits to the owner of the video.

Monday, November 12, 2012

Wishlist.

It would be my first time to do this so just bear with me. Hahaha! I don't even know what got into me that made me do this. Well, just for fun I guess. And maybe my parents or sister would accidentally read my blog hahahahaha :))))) But I don't really expect that I will get these things. I just wanna share what I would want to have, yes material things :) But... I'm not really a materialistic person that's why this would be exciting. =) The only material things that I'm really into are accessories and clothes. That's all. :) Okay, let me start with my "wishlist" since Christmas is getting nearer but my birthday is much nearer. In exactly a month I'm turning a year older. :)

    1. OMBRE SHORTS
I would like this one in particular. Love the color :)
I got the picture from Bubbles. It's an online shop :)
 
    2. TEACUP DOG


Because it is just too cute. And I really love dogs. 
 
    3. PUG

Because they are also too cute.

    4. DLSU SHIRTS

I don't know why. But I would like more La Salle shirts. :)

    5. STAND MIRROR WITH JEWELRY STORAGE
I would love one since I'm into accessories. 

    6. CLOTHES

Forgive me for the picture, I just typed clothes from Jellybean in google and got the first one hahaha.
I'm starting to like clothes from Jellybean, they're so colorful and full of life. :)
   7. ACCESSORIES




    8. SANDALS/DOLL SHOES
A simple flats would do.

Cute shoes.
this.

    9. CAMERA
Suggestions please. What camera would be great?

    10. CELLPHONE
iPhone 5. I don't think so. Haha! It's too expensive.
 OR 
iPhone 4s.
OR
Samsung Galaxy S3.
Which one's better? :)

There, that ends my wishlist! I just got 10 things on my list. Hopefully I get at least 3 of them or maybe more hahahaha! :) Wishful thinking :) It was fun sharing these to people who reads my blog (if there are any, thank you btw). Until next year :) 


P.S. CREDITS TO THE OWNERS OF THE PICTURES IN THIS BLOG ENTRY. 



Tuesday, November 6, 2012

Little Things.



I just have to have this on my blog. And I know what most of you might think, especially my friends but whatever. I really liked the song that’s why I need to have this on my blog. I’m not really a fan of One Direction but I do like their songs. So does that make me a fan? Not sure. Maybe. Maybe not. Slight? Haha!

*usual conversation wherein 1D’s involved*
Person 1: blah blah blah… One Direction… blah blah blah…
Person 2: (hears the words One Direction) Yuck! Eewww! Gay!

Yup, I usually hear this. Fine. People have their own opinions. But, I think some people are just trying to look “cool” by saying that they hate One Direction. I’m not saying all okay, I said some. Hate is such a strong word. I’m guessing that they haven’t even listened to a whole song of One Direction. Tss. Well, that’s my opinion.

Anyway, I know that at one point you liked their songs too and at one point you sang their song. Come on. They have pretty good songs that are very catchy and not just that they’re pretty meaningful. And…you must admit that they sing well and they also look good. Right? If you don’t agree, then okay. Haha! I’m just saying that I love their newest single. Great song indeed. The tune, the lyrics, the music video (even if it’s just simple), everything’s great. Beautiful!


Here’s their official music video for Little Things. Credits to OneDirectionVEVO.

           

Little Things
One Direction

Zayn:
Your hand fits in mine
Like it's made just for me
But bear this in mind
It was meant to be
And I'm joining up the dots
With the freckles on your cheeks
And it all makes sense to me

Liam:
I know you've never loved
The crinkles by your eyes when you smile
You've never loved
Your stomach or your thighs
The dimples in your back at the bottom of your spine
But I'll love them endlessly

CHORUS: (Zayn and Liam)
I won't let these little things slip out of my mouth
But if I do,
It's you,
Oh it's you,
They add up to
I'm in love with you,
And all these little things

Louis:
You can't go to bed,
Without a cup of tea,
And maybe that's the reason that you talk in your sleep
And all those conversations
Are the secrets that I keep
Though it makes no sense to me

Harry:
I know you've never loved the sound of your voice on tape
You never want to know how much you weigh
You still have to squeeze into your jeans
But you're perfect to me

CHORUS: (Harry and Niall)
I won't let these little things slip out of my mouth
But if it's true,
It's you,
It's you,
They add up to
I'm in love with you,
And all these little things

Niall:
You'll never love yourself
Half as much as I love you
You'll never treat yourself right, darlin'
But I want you to,
If I let you know, I'm here for you,
Maybe you'll love yourself,
Like I love you
Oh.

Harry:
And I've just let these little things slip out of my mouth,
‘Coz it's you,
Oh it's you,
It's you,
They add up to
And I'm in love with you,
And all these little things,

All:
I won't let these little things slip out of my mouth
But if it's true,
It's you,
It's you,
They add up to,
I'm in love with you,
And all your little things.


SWEET SONG

Nature lover.

I had the chance to be away from the city for three days, November 1-3 :) I went to the province together with my mom, some of my cousins and tito & tita. I was glad that I joined them because I really had fun within those three days. I think, it's been two years since I last went to the province. By the way it's in Lamut, Ifugao. I don't know if you know the place. But I think, my grandfather is originally from Isabela. But they stayed in Ifugao. We also have relatives from Nueva Vizcaya. So, medyo magulo kung saan talaga ang province namin. :))) Basta, pumupunta kami sa lahat ng yun hahaha :)))) 

But last November 1-3,we were in Ifugao the whole time. For our first day in the province, the only thing that we did was to go the cemetery, we visited my grandfather and my tito. After that, we went to the house of my grandmother (sister of my grandfather). We stayed there for a while and just had a chat. Then, we went back to the house and can I just share that it's on top of the mountain. Well, not really that high. But still. :) On my second day there, it was really fun, quite adventurous actually. I went to Lagawe, Ifugao with my tito, tita & cousins and it was my first time there. Me and my cousins had our little exploration 'coz we heard that there was a river near the place so we went looking for it. Finally, after a long walk we found it! It was really beautiful. I was in love with the place. The trees, the river itself, everything. And that is why I love going to the province. It's so peaceful, very relaxing and of course away from the stress in the city. So, going back to my story... We didn't plan on going to a river at all so we had no extra clothes or what that's why we didn't really "swim". Tampisaw lang =)) And by simply doing that, we already enjoyed. We then went home at around 7 in the evening. Lastly, for our third day we went to a river again but this time it's in Lamut. That's why it's just near. Last time that I went there, we just walked from the house. And again that was an adventure with my cousins. But this time, we didn't walk anymore haha! If on our second day we didn't swim, this time we really enjoyed the water and had a good swim. It was so cold and clean. That's what I like :) We ended at around 11 in the morning. Just enough time to prepare for lunch. Btw, another thing I like when going to the province is the food. Food that are not usually prepared and served here in Manila. Yeah, I do like them. There, that summarizes what I did for my "three-day vacation". It sort of became a nature trip. Yes, it can be called nature tripping. I would now share some of the pictures I took and most of them would be green. Oh, nature♥

Bagong gising! With my cousins: Luxanne & Dana :)
On top of the mountain :)

Kami ulit :) 

Passion fruit. First time to try it :)

Beautiful.

Love it

:)

Kami na naman haha!

GANDA. 

:)

:)

Nature :)

Lovin' the sight. 

Pwede ng model....ng ilog :)

F na F ang paligid!

Clear water. 

:)

Luxanne, Dana & me. 

With the girls :)